Wednesday, December 16, 2009


Lahat ng tao ay nararanasan ang ganitong katayuan kahit saglit lang. Meron din ibang permanente na ang katayuang ito at okay lang para sa kanila ang pagka-kontento dito. Iba naman ay naghihintay lang ng pagkakataon, kahit nababagot na sige pa din sa pag-aasam, para maalis sa sitwasyon na ito.


"Pero paano nga ba mabuhay at maging masaya sa katayuang ito?"
"Paano malalaman na dadating ka sa ganitong sitwasyon o katayuan sa buhay mo?"
"Anu-ano ang mga hudyat nang pagiging solo sa buhay?"
"Ano ang pakinabang at kawalan nito sa buhay?"
Mga katanungan, na hindi ko alam ang rason kung bakit ko tinatanong kahit alam ko na ang sagot dito. Siguro dahil nagsasawa na ako ng walang ginagawa dito sa bahay namin, at nagsasawa sa pagiging tambay at walang pakinabang sa loob ng aming pamamahay.
"Wateber!.. isa-isahin ko nalang ang sagot sa mga tanong ko. Buang gid! Ahay.. wala na talaga ako maitutulong sa sarili ko. Saykotik na ako dhay!"
Numero uno sa tanong.. Paano mabuhay sa ganitong katayuan?
Simple lang, dapat walang kang iniisip kundi sarili mo lang at mga taong makikinabang sayo sa sitwasyon na ito, mga magulang mo. Umaasa na matulungan mo ang pamilya mo. Magiging masaya ka lang kung matatanggap mo sa sarili mo masaya ka kahit na parang libag sa katawan mo, (dahil aminin mo man o sa ayaw mong aminin na na-iingit ka), ang nakikita mong pag-ibig sa iniikutan mong mundo. Magiging masaya ka din kung magiging isa kang tapat at tunay na kaibigan. Dahil kong wala kang sinisinta, sila lang din ang makakasama mo.
Pangalawa, Paano mo malalaman na dadating ka sa ganitong sitwasyon?
Well, Para sa akin, hindi ko muna sasagutin yan kasi hanggang ngyon.. Hindi ko din alam kong bakit ganito ako. Malay ko ba.. Pero merong iba na alam na nilang tadhana nila ang pagiging single for life o mas gusto nila sarili nila ang iniintindi nila.Oha?? Hay...
Pangatlo,Mga signs ng pagiging single..
Mahilig kumain, walang pake kahit na tumataba wala namang rason para magpa-seksi. Active ang social life kung hindi, ngarag sa trabaho. Palaging nakikita kasama ang mga kaibigan, natural wala kang choice eh, kahit maging chaperone ka sa date ng mga kaibigan mo, okay lang, masaya yun, atleast may panggulo sa gitna. Kapag kinakamusta ang love life, ang salita na palagi mong maririnig, ZERO. Palagi kang na-ngangarap ng ideal man at nagpapantasya ng mga seksing kalalakihan. (Hahaha,,parang ako lng ata yun). Palaging present sa inuman ng mga kaibigan mo. Pagtinatanong kung masaya, sarcastic ang sagot o di kaya ini-exagerrated. Anu pa ba? Wala na ako maisip, magsuggest na lang kayo.
Panghuli.. sa wakas. (tinatamad na akong mag-type.)May pakinabang ba ito?
Malamang... Kung wala, eh di dapat meron na akong juwa. Para sa akin, FREEDOM of CHOICE. Lahat ng gusto mong gawin sa sarili mo magagawa mo, walang limitations kung baga. Mag-ingat ka nalang kung strict ang parents mo. At walang ache.. Heart-ache at ??? , Bahala na kayo mag-isip kong ano yun tatalong question mark. Disadvantages? meron, observe mo nalang ang mga kaibigan mong may mga Pag-ibig. Malalaman mo na ang sagot.
Ayan medyo mahaba-haba din.. Guys, kahit anu pa ang gusto niyong mang-yari sa buhay nyo basta masaya kayo. No regrets. Lahat naman dapat makaranas ng pagiging Independent. Kung naniniwala kayo sa destiny, bahala na kayo... Basta masaya ako sa pagiging SINGLE!

No comments: